Monday, September 22, 2008

mga hindi ko maintindihan na mga tao part 2

Sa paglipas ng mga araw ay nadagdagan na naman ang mga taong hindi ko maintindihan. Sila ay si "Beer Belly" at si "Lasenggo". Si Beer Belly kung una mong titignan ay parang normal na tao lamang siya pero kapag kakilala ka na niya ay malalaman mo kung ano ang kanyang tunay na kulay. Kaya ko siya hindi maintindihan ay dahil hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa kanyang mga ikinikilos. Hindi ko na sasabihin ang kanyang mga ginagawa dahil parang bawal ilagay sa blog na ito. Si Lasenggo naman ay kung titignan mo ay alam mo na kung ano siya. Siya ay isang lasenggo na hindi na niya alam kung  ano ang pinaggagagawa niya. Malaki siyang tao na may maliit na ****. Sana ay hindi niyo mahulaan kung sino itong mga tinutukoy ko para bayaran niyo ako kung gusto niyo malaman.

No comments: